Miyerkules, Hulyo 30, 2014

ALEX JADE AUSAN
GRADE 9 - FLUORINE

Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay
sa hamong dulot ng kapaligiran nito?


      
         Maipapakita natin ang ating pagkakaunawa sa kahalagahan ng mga pamanang dulot ng mga sinaunang kabihasnan sa pamamagitan ng pagpapaunlad din dito upang sa ganoon mas lalo pa nating mapadali ang pamumuhay. Dapat din nating isaisip at isabuhay na dahil sa mga pamana sa atin, tayo’y nakakapamuhay ng mas madali ngayon at dapat din nating alalahanin ang kanilang hirap sa pagpapaunlad ng mga ito.










Lunes, Hulyo 7, 2014

Jermille Shane M. Mojica



Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay
sa hamong dulot ng kapaligiran nito?














      Bilang mapapalad na taong napagkalooban ng mga sinaunang kabihasnang nakapagpaunlad sa ating pamumuhay, nararapat lamang na pahalagahan natin ang mga pamanang ito. Sa pamamagitan ng paggamit, pag-iingat at pagpapaunlad sa mga pamanang ito, maaari nating maipakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga ipinagkaloob sa atin.